Edu magpapakasal na uli?!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - November 17, 2014 - 12:00am

Hindi na kailangan ni Edu Manzano o ni Ma­ricel Soriano na mag-file ng annulment para mapawalang-bisa ang kanilang kasal dahil matagal na silang divorced. Si Edu ang nagkumpirma na  divorced na sila ni Maricel nang mapag-usapan namin ang relasyon nila. Tumagal lamang ng two years  (1989-1991) ang pagsasama nina Edu at Maricel.

Natawa si Edu nang sabihin ko na baka si Maricel ang dahilan kaya inaaway siya ni Ronnie R­icketts. Sa mga hindi nakakaalam, especially ang young generation ngayon, si Maricel ang common denominator nina Edu at Ronnie. Ex-boyfriend ni Maricel si Ronnie at ex-husband niya si Edu. Take note, parehong mga ex-Chairman ng Optical Media Board (OMB) sina Ronnie at Edu.

Dekada ‘80 nang magpakasal sina Edu at Maricel. Big news ang relasyon nila noon dahil you and me against the world ang kanilang sitwasyon.
Na-develop ang feelings at nagsimula ang relasyon nina Edu at Maricel sa set ng Regal Films na pinagtambalan nila noong 1988, ang Babaeng Hampaslupa. Uso pa noon ang mga theater tour. Umaarkila si Mother Lily Monteverde ng bus at dito sumasakay ang lahat ng mga artista na kasali sa theater tour.

Hit na hit noon sa mga tao ang pag-akyat nina Edu at Maricel sa bubong ng bus nang puntahan nila ang New Frontier Theater sa Cubao, isa sa mga sinehan na pinagtanghalan ng Ang Babaeng Hampaslupa.

Balikan nina Leni at PJ huhusgahan na

May reminder ang GMA 7, ngayong gabi ang pilot telecast ng More Than Words, ang feel good teleserye nina Elmo Magalona at Janine Gutierrez.

Comeback teleserye rin ng loveteam nina Leni Santos at Rey “PJ” Abellana ang More Than Words na mapapanood pagkatapos ng 24 Oras.

Admission sa pagbubuntis ni Cristine hindi na shocking

Hindi shocking ang pag-amin kahapon ni Cristine Reyes sa ASAP19 na magkakaroon na siya ng baby. Ang admission ni Cristine ang confirmation ng matagal nang tsismis na buntis siya.

In fairness kay Cristine, hindi siya nag-deny nang ma-corner siya ng mga reporter sa premiere night noon ng The Gifted. Imbes na mag-deny, tinalikuran ni Cristine ang reporter na nagtanong tungkol sa kalagayan niya.

May mga pahiwatig noon si Cristine na buntis siya. Kung matatandaan ninyo, sinabi ni Cristine sa isang interbyu na titigil na siya sa paggawa ng sexy movies at ayaw na niya ang atensyon na ibinibigay sa kanya ng mga mhin.

Nag-deny noon si Ara Mina tungkol sa sitwasyon ng kanyang kapatid. Pero makalipas ang ilang linggo, nagsalita si Ara na clueless ito sa tunay na kalagayan ni Cristine. Hindi naman big deal o shocking ang pagbubuntis ni Cristine dahil nasa legal age na siya para maging ina. Financially stable na rin siya para magkaroon ng anak. I-wish na lang natin na magkaroon si Cristine ng maayos na pregnancy at maging healthy ang kanyang ipinagbubuntis na baby.

ANG BABAENG HAMPASLUPA ARA MINA CRISTINE EDU MARICEL MORE THAN WORDS RONNIE SIYA
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with