Kapuso namudmod na ng pamasko sa Yolanda survivors
SVA (Pilipino Star Ngayon) - November 2, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Ilalabas na bukas, Lunes (November 3) ng gabi, sa 24 Oras ang Tacloban event plug ng GMA Network bilang panimula sa kanilang 2014  Share the Love Christmas campaign.

Isang maagang Pamasko ang regalo ng GMA sa Yolanda survivors sa pamamagitan ng pagbibigay ng bagong simula sa mga ito.

Makikitang buhay na buhay ang diwa ng Kapaskuhan sa Kapuso Village sa Tacloban nang magsagawa sila ng isang salu-salo para sa mga naging beneficiaries ng proyekto doon.

Ang Kapuso Village sa Tacloban ang unang permanent housing project para sa survivors ng Typhoon Yolanda, kung saan 49 na ang bilang ng mga bahay na nai-turn over. Sa susunod na linggo ay karagdagang 123 bahay ang makukompleto, at may 231 pa na nakatakdang i-turn over sa mga susunod na buwan ayon sa GMA.

 “It was likely the first time that these families got to celebrate Christmas since they lost their homes and loved ones to Typhoon Yolanda,”  pahayag ni GMA Kapuso Foundation EVP and COO Mel C. Tiangco na mismong nakasaksi sa lawak ng pinsala ng bagyong Yolanda mula sa kanyang on-site news co­verage at GMA Kapuso Foundation relief efforts. “Seeing their favorite Kapuso stars make an effort to personally deliver their presents made the occasion all the more special to them.”

Kasama niya ang mga Kapuso stars sa pamimigay ng mga regalo, pagkain at Christmas trees sa Kapuso Village habang ang ibang personalidad naman ng GMA ay nagbahagi ng pagmamahal sa pamamagitan ng pag-sponsor ng mga laruan at health at educational gift packs para sa mga Kapuso Foundation beneficiaries sa buong bansa.

Sabi nga, tunay nga na anumang pagsubok ay malalampasan kapag ang mga pusong may iisang hangarin at pagmamahal sa kapwa ay nagsama-sama.

 Para sa karagdagang photos at videos ng Share the Love Campaign, bisitahin ang GMA Network portal sa www.gmanetwork.com.

 

ANG KAPUSO VILLAGE GMA KAPUSO KAPUSO FOUNDATION KAPUSO VILLAGE MEL C SHARE THE LOVE CAMPAIGN TACLOBAN TYPHOON YOLANDA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with