Ex-GF ni James successful sa pagpapapansin, Julian tinawag na mataba at suplado ang ama na si Sen. Jinggoy, Korina at Karen nagpapatalbugan sa pagpapapayat at b

SEEN: Nagtagumpay ang starlet na si Ericka Villongco nang sabihin nito sa presscon ng Relaks, It’s Just Pag-ibig na ex-boyfriend niya si James Reid dahil nagkaroon ng interes ang mga reporter na interbyuhin siya.

SCENE: Suplado siya at mataba ang sagot ni Julian Estrada nang tanungin siya sa presscon ng Relaks, It’s Just Pag-ibig tungkol sa pagkakaiba niya sa kanyang ama na si Senator Jinggoy Estrada.

SEEN: “Ho-hum” ang reaksyon ng mga tao sa pagbabalik-GMA-7 ni Iya Villania, ang itinuturing na Marissa del Mar ng makabagong panahon.

SCENE: Unfair na ikumpara si Marissa del Mar kay Iya Villania. May sariling television show si Marissa sa Aksyon TV, ang Buhay OFW at walang solo TV show si Iya. 

SEEN: Nagbago ng hairdo si Korina Sanchez sa TV Patrol, binago rin ni Karen Davila ang hairstyle nito sa Bandila. Pareho ring pumayat ang dalawang anchor.

SCENE: Ngayong November 1, All Saints Day, ang 33rd birthday ni Coco Martin at 40th birthday ni Sharmaine Arnaiz.

SEEN: Robinhood ang “pinag-isipan” na costume ni Robin Padilla, Maleficent costume and look ang pinili ni Mariel Rodriguez para sa Halloween episode ngayong gabi ng Talentadong Pinoy ng TV5.

SCENE: Maligayang-maligaya si Mark Bautista dahil pinanood ni Lea Salonga ang Here Lies Love, ang musical na tinatampukan niya at itinatanghal sa National Theater sa London hanggang January 2015.

Show comments