Mariah para raw transvestite ang hitsura

Mga shop sa building ni Willie Revillame, sarado na; Sex video scandal ni Mystica at walang name na bold actor-husband pinagpipyestahan

SEEN: Ang realization ng mga nanood ng concert ni Mariah Carey na idol ito ni Regine Velasquez dahil kopyang-kopya nito ang pananamit at style ng pagkanta ng sikat na American singer.

SCENE: Ang realization ng mga nanood ng concert ni Mariah Carey na kung hindi ito sikat, mapagkakamalan siya na “shemale” o “transvestite”. Marami ang mga miyembro ng third sex na sumuporta sa one night only concert ni Mariah.

SEEN: Spotted sa concert ni Mariah Carey sina Ruffa Gutierrez, Kris Bernal, Prince Stefan, Cristalle Belo, KZ Tandingan, Gloria Diaz, Erik Santos, at Jed Madela.

SCENE: Wala na ang mga expensive bags na naka-display at sarado na ang mga shop sa Will Tower Mall dahil ipinaubaya na ni Willie Revillame sa kompanya ni former Senator Manny Villar ang pamamahala sa mall.

SEEN: Ginanap kagabi sa events place na dating pag-aari ni Willie Revillame ang thanksgiving at birthday party ni Coco Martin. Turning 33 si Coco sa kanyang kaarawan sa November 1.

SCENE: Ang payo kay Senator Nancy Binay ng kanyang supporters na hindi niya dapat pinatulan ang mga patutsada ni Jim Paredes dahil nagugustuhan nito ang atensyon na ibinibigay ng publiko.

SEEN: Hindi nakalimutan ni Anne Curtis na ipaalaala sa Filipino moviegoers na palabas sa Philippine cinemas ang Blood Ransom, kahit nasa ibang bansa siya. 

SCENE: Ang kumakalat na alleged sex video ni Mystica at ng kanyang nameless bold actor husband.

Show comments