Carla at ama may away?!

PIK: Sa premiere night ng pelikulang T’yanak sa SM Megamall kamakalawa ng gabi, suportado ang main cast ng naturang pelikula ng kanilang mga mahal sa buhay.

Present siyempre si Ryan Agoncillo para sumuporta kay Judy Ann Santos. Si Tom Rodriguez naman ay sinamahan ni Carla Abellana, at si Sid Lucero ay suportado rin ni Alessandra de Rossi.

Si Solenn Heussaff lang ang hindi kasama ang non-showbiz boyfriend dahil hindi naman daw talaga sumasama ‘yun sa mga showbiz functions ng aktres.

PAK: Medyo nahihiya naman si Tom na magkuwento sa tsikang nagkita na pala sila ng ama ni Carla na si Rey “PJ” Abellana.

Contestant pala si Rey PJ sa Don’t Lose the Money na nag-taping nung nakaraang Martes ng gabi.

Nakikita naman daw na botung-boto si Rey PJ sa kanya. “I have no idea po. Hindi ako ang tamang taong makasagot niyan,” nahihiya pang sagot ni Tom.

“Okay naman kami. He congratulated me naman how the show was going and he said very nice things,” sabi pa ng Kapuso actor.

Mabait naman daw sa kanya ang ama ni Carla. Pero hanggang ngayon ay hindi pa naman sila umaamin in public na sila na.

Pero okay ba sina Carla at ang kanyang ama?

BOOM: Hanggang ngayon ay hindi pa rin pala nag-uusap sina Jaya at ng ina niyang si Elizabeth Ramsey.

Ang latest kasi, nagalit daw si Elizabeth sa mga hu­ling sinabi ni Jaya nung nagpa-presscon ito kamakailan lang na kung saan inilahad ng Soul Diva ang mga pinagdaanan niya sa Amerika na muntik pa raw siyang magpatiwakal.

Gusto raw sana niyang kausapin ang kanyang ina pero hindi raw siya sinasagot.

Magkalapit nga raw sila ng bahay, pero hindi raw siya hinaharap ng kanyang ina.

Gusto raw sana niyang magpaliwanag na naiba lang daw ang pagkasulat. Kaya lang ayaw naman daw siyang kausapin ng kanyang ina.

 “Showbusiness ito, lahat nang sasabihin mo gagawin nilang 100 times magnified.

“Kaya para sa ‘yo Ma, relax ka lang diyan, hindi kita puwedeng siraan, mahal kita. Apo mo mga anak ko. Hindi ko puwedeng gawin sa ‘yo ‘yan. Kaya ‘yung mga negative reactions na naririnig mo at ‘yung mga feelings na meron ka na hindi mo maintindihan, that’s okay. Process it, ramdamin mo and then after that talk to me,” mensahe ni Jaya sa kanyang ina.

Show comments