_ngayon
^

PSN Showbiz

Nora nanghihingi ng tulong sa fans; ‘Totoo ang bukol ko’ - Tom

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Marami ang na-impress sa pelikulang Dementia na directorial debut ni Perci Intalan.

Isa na namang kakaibang performance ang ipinakita ni Nora Aunor. Pero ang komento ng iilan, sana raw ay makabalik na si Nora sa pagkanta, dahil matagal nang hindi napapanood na kumakanta ng live.

Kaya humihingi si Nora ng tulong sa mga fans niya ng karagdagang dasal na matuloy na raw ang operasyon niya sa Boston pagpunta nito ng Amerika.

Ang balak kasi ng Superstar, kapag puwede na siyang kumanta. Gusto raw niyang magkaroon ng mga concerts sa ibang bansa para sa mga fans niya roon na nangungulila sa kanya.

Sa September 24 na pala ang showing ng pelikulang Dementia.

PAK: Itinatanggi ni Tom Rodriguez na naglagay siya ng pad para matakpan ang maselang bahagi ng kanyang katawan.           

Marami ang nakapansin sa kakaibang laki ng bukol nito nang rumampa siya sa nakaraang The Naked Truth ng Bench.

“Wala talaga ‘yun,” sabi sa amin ni Tom.

Gusto pa nga raw sana niyang magpaka-daring pero baka magalit lang daw ang manager niyang si Popoy Caritativo.

Nagpapasalamat si Tom dahil sa mainit na pagtanggap sa kanya sa show na iyun at ang malakas pa ring feedback sa tandem nila ni Dennis Trillo.

BOOM: Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nagbibigay ng panayam si Cherry Pie Picache kaugnay sa walang awang pagpaslang sa kanyang 75-year old na inang si Zenaida Sison.

Nagbigay lamang sa sila ng statement na nagpapasalamat sa mabilis na pagresponde ng QCPD at ng SOCO.

Pati kay Mayor Herbert Bautista at sa kapatid nitong si Harlene ay nagpapasalamat din ang aktres at sa lahat na tumulong sa kanila.

May mga pinagdududahan na sila kung sino ang may kagagawan nito, pero tikom pa rin muna ang bibig nila dahil iniimbestigahan pa rin ito.

Ang duda raw nila, kilala ito ng kanyang ina kaya itinuloy ito sa pagpaslang.

Buo ang pananalig ni Cherry Pie na lalabas ang katotohanan at mabigyan ng hustisya ang nangyari sa kanyang ina.

CHERRY PIE CHERRY PIE PICACHE DENNIS TRILLO MARAMI MAYOR HERBERT BAUTISTA NAKED TRUTH NORA NORA AUNOR PERCI INTALAN
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with