Sen. Bong hindi makakapagdiwang ng birthday!

Confirmed ang pagdalaw ko kay Senator Bong Revilla, Jr. sa Huwebes dahil ‘yon ang kanyang 48th birthday.

Iniisip ko pa ang ireregalo ko kay Bong na first time na gugunitain ang kaarawan sa loob ng PNP Custodial Center sa Camp Crame.

Ayokong gamitin ang word na magdiriwang ng birthday dahil paano mo ipagdiriwang ang kaarawan kung nasa loob ka ng kulungan?

Araw ng pagdalaw ang Huwebes kaya sure ako na marami ang bibisita sa kanya. Malamang na magkaroon ng Holy Mass para sa kaarawan ni Bong.

Dingdong at Marian kanya-kanyang lakad sa abroad

Parehong wala sa bansa sina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Nagbabakasyon si Dingdong sa Germany, kasama ang  male friends niya at mga kaibigan din ang ka-join ni Marian sa Hong Kong dahil ito ang venue ng bridal shower para sa kanya.

Umalis sa Pilipinas si Dingdong noong weekend at hintayin na lang natin ang pagbabalik niya para siya ang magkuwento sa mga nangyari sa stag party niya sa Germany.

Lovi, Alessandra, Jennylyn, at Solenn mag-aabay sa kasalang Chiz-Heart

Peach ang color motif ng Balesin wedding nina Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero sa February 15, 2015.

Mga tao na may kinalaman sa kanilang buhay ang mga ninong at ninang nila na kinabibilangan ni Atty. Felipe L. Gozon, ang big boss namin sa GMA 7.

Sure na ang participation nina Lovi Poe, Alessandra de Rossi, Jennylyn Mercado, at Solenn Heussaff sa Heart-Chiz wedding dahil mga abay sila. Hindi ko kilala ang ibang bridesmaids dahil mga kaibigan sila ni Heart na walang koneksyon sa showbiz.

Valerie ‘di dapat maging kampante sa Miss World, mga kalaban magaganda

Nakita ko na ang ilan sa mga kandidata ng Miss World Philippines 2014.

Hindi dapat maging kampante si Valerie Weigmann dahil magaganda ang kanyang mga kalaban.

Si Valerie ang Eat Bulaga co-host na nagbakas­yon sa number one noontime show para mag-concentrate sa training dahil dream niya na maging beauty queen.

Show comments