Jake sariling gastos ang pag-aaral sa New York

Isa sa mga tinilian ng mga manonood sa katatapos pa lamang ng The Naked Truth fashion show ay si Jake Cuenca dahil sa pagsusuot nito ng T-back sa event. Mukhang ito na raw ang huling rampa ni Jake sa entablado kaya naman itinodo na ng aktor ang pagpapaseksi.

Samantala, nakatakdang lumipad ang binata papuntang New York upang mag-aral ng acting course sa Lee Strasburg Theater and Film Institute. Mahigit isang buwang mawawala si Jake sa bansa at personal daw nitong gagastusan ang pag-aaral at pananatili sa New York. “Personal itong gastos. I spent for everything. Kumbaga I applied for myself. It was just me and my mom. Tinulungan ako ng nanay ko na mag-apply sa school,” natatawang pahayag ni Jake. “Okay lang naman actually mas mahal ‘yung accommodations more than the tuition pero ang sa akin kasi, nakapasok ako eh. Do’n naman ako tuwang-tuwa kasi they filter their students. Sobrang higpit nila when it comes to that. So to have gotten I’m so happy and so proud. Napag-ipunan ko naman. Noong nagsisimula pa lang ako ng Ikaw Lamang nakaplano na ako to do this. So napag-ipunan ko siya nang maigi,” pagbabahagi ng aktor.

Hindi pa rin daw naiisip ni Jake na magkakaroon siya ng offers sa Hollywood pagkatapos ng kanyang acting course. “I’m more focused into learning there and coming back here and may kakaibang performances akong ibibigay sa tao. Kumbaga dati may self expectations na ako na kailangan ko ma-meet, but ‘yung mga offers sa Hollywood, it’s not even on my mind. I’m there to study and that’s it,” giit ng binata.

Manolo hanga sa kabaitan ni Janella Salvador

Magkahalong emosyon ang naramdaman ng Pinoy Big Brother housemate na si Manolo Pedrosa nang mapasabak sa pag-arte. Sa kauna-unahang pagkakataon ay naranasan ni Manolo na maging artista sa Maalaala Mo Kaya kamakailan. “Sobrang saya po kasi it’s my first acting part na mabigat po ‘yung drama. So for me maganda po ‘yung experience kasi marami akong natutunan kahit newbie po ako, I did my best,” nakangiting bungad ni Manolo. “Mahirap talaga, akala ko madali lang. Sobrang hirap, you need to put so much effort to be good in your craft,” dagdag ni Manolo. Malaking karangalan para kay Manolo na makatrabaho si Janella Salvador sa nasabing programa. Napahanga rin daw ang binata sa pagiging professional ng aktres. “Sobrang mabait siya kahit sobrang may experience na siya sa acting. She’s very patient with me kasi ako sobrang nahirapan na ako, at kahit marami na akong takes mabait pa rin siya. She’s still patient with me. I would say, mabait si Janella, maganda siya,” pagtatapos ni Manolo. -Reports from JAMES C. CANTOS 

Show comments