Ate Vi bumalik ang dating sakit dahil sa sobrang stress
THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs (Pilipino Star Ngayon) - September 13, 2014 - 12:00am

Hoy, kayo namang mga Vilmanians, huwag na kayong mag-worry sa health condition ng ma­si­pag na si Gob. Vilma Santos-Recto at ido­lo n’yo. Bumalik lang daw ang ulcer niya dahil sa stress at sa rami ng trabaho. Walang dapat ipag-alala lalo’t hindi naman kakalimutan ni Gob. na kumain sa tamang oras at uminom ng gamot kung kinakaila­ngan. Okay na ba, Vilmanians?

Kiko panay ang ligaw

Bumalik na si Kiko Estrada sa pamamatnubay ng Kapuso Network. Ewan ko ba sa batang ito, napaka-restless. Napuputol tuloy at hindi magtuluy-tuloy ang progress niya bilang artista. Sana ma­kun­tento na siya ngayong ka­sama siya sa Strawberry Lane. At stop na muna ‘yang ligaw-ligaw. ‘Yan ang malakas makabagal ng pagsikat ng isang artista. Saka na magdyowa kapag sikat na’t may pangalan na. Gorio (Gary Estrada), sabihan mo nga ‘yang anak mo!

Jake at Bea kailangang unahin ang career, saka na ang selos-selos

Itong sina Bea Binene at Jake Vargas din, dapat i-prioritize ang career at hindi ang pag-iibigan. Ito naman ay kung gusto nilang sumikat. Baka kailangan nila ang isa’t isa para magbigay ng inspirasyon, pero tama na ‘yang selos, selos na nakasisira ng relasyon at konsentrasyon sa trabaho. Pero kasi, ang babata pa ng dalawang ito, kaya kailangang lawakan ko pa ang pag-iisip ko. Kung hindi, ay talagang mapapalo ko sila.

BEA BINENE BUMALIK GARY ESTRADA JAKE VARGAS KIKO ESTRADA SHY STRAWBERRY LANE VILMA SANTOS-RECTO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with