Raffle at free load na scam pag-uusapan sa Basta Every Day...

MANILA, Philippines - Nakatanggap na ba kayo ng text message na nagsasabing nanalo kayo sa raffle o kaya free load? Nae-engganyo ba kayong sumali sa isang online business na “no risks” daw o nangangakong double your money in 30 days?

Dahil uso na naman ang mga iba’t ibang style ng panloloko, pag-uusapan ngayong Martes (Setyembre 2) sa Basta Every Day Happy ang mga iba’t ibang klase ng text scams at tips kung paano makakaiwas sa mga ito.

Ibabahagi naman ng Kapuso actress na si Glydel Mercado ang kanyang kuwento nang muntik na siyang ma-scam ng mga taong nagpanggap na taga-Maynilad.

Mag-ingat, maging mapanuri, at huwag magpaloko sa mga scam!

Napupuyat na ba kayo dahil laging naghihilik ang inyong asawa o kaya naman ay madalas kayong sumpungin ng insomnia? Tutok na ngayong Miyerkules (Setyembre 3), live na live sa Basta Every Day Happy dahil pag-uusapan natin ang mga iba’t ibang mga bagay na may kinalaman sa pagtulog.

Alamin ang mga pinaka-common sleeping problems nating mga Pinoy at kung paano natin maso-solusyunan ang mga ito. Si Chef Boy Logro, may ibabahaging mga recipes na makakatulong para makatulog kayo nang mahimbing. May ibibigay ding mga tips ang barkada kasama ang Kapuso host/actress na si Bettina Carlos para mabango pa rin ang iyong hininga sa inyong paggising at masigurong good ang inyong morning.

 

Show comments