Aljur hawak daw ng makapangyarihang businessman kaya nagawang idemanda ang Kapuso?!

Tahimik ngayon ang kampo ng actor na si Aljur Abrenica matapos itong mag-file ng kaso laban sa kanyang home studio, ang GMA para mapawalang-bisa ang kanyang kontrata na sa pagkakaalam ng marami ay sa 2017 pa magtatapos.

Habang wala pang desisyon ang korte sa kahilingan ni Aljur, wala muna siyang projects na gagawin dahil hindi siya puwedeng lumipat at magtrabaho ng ibang istasyon hangga’t hindi nare-resolve ang kaso na kanyang isinampa.

By the time na magkaroon ng desisyon ang korte, nabantilawan na ang career ni Aljur na siyang nakakapanghinayang.

Subject ng blind item si Aljur lately. Kesyo meron daw mayamang nakaalalay sa kanya ngayon kaya malakas ang loob nitong mamahinga sa showbiz.

Dennis at Tom nagpalaki ng katawan

Sina Dennis Trillo at Tom Rodriquez ang pinalakpakan nang husto ng audience sa teaser launch ng The Naked Truth ng Bench na ginanap sa basement ng Bench Tower last Friday night.

Talagang pinaghandaan ng love team ng My Husband’s Lover ang nasabing launch dahil kitang-kita ito sa kanilang mga katawan.  Bukod kina Tom at Dennis, ang ilang celebrities na rumampa sa The Naked Truth ay sina Martin del Rosario, Markki Stroem, at Dominic Roque na kasama sa BIG NIGHT ng   Bench na gaganapin sa SM Mall of Asia Arena on September 19 to be participated of 45 hottest stars ng bansa at 13 international models. Kasama na rito ang dating kasali sa America’s Next Top Model na si Allison Harvard.

Tinitiyak ni Ben Chan na ang The Naked Truth na gaganapin sa SM Mall of Asia Arena ang pinakamalaking event ng Bench na ginaganap every two years. 

Show comments