Daniel gusto na ring magka-gf

Halos magkasunuran lamang na nangyari ang marriage proposal ni Senator Chiz Escudero kay Heart Evangelista at ang pagkapanalo ng dating kasintahan ng aktres na si Daniel Matsunaga sa Pinoy Big Brother. Nalaman lamang daw ng PBB Big Winner ang tungkol sa engagement nina Heart at Senator Chiz noong Linggo ng gabi. Wala raw naramdamang panghihinayang o sakit si Daniel dahil alam niyang hindi talaga sila para sa isa’t isa ni Heart. “Not really. Because for me, I knew that me and Heart would never get back together. But I’m really happy because we’re still friends. Everything is doing really well, with her career also, to my career. So I’m really happy that we ended up good friends,” nakangiting pahayag ni Daniel.

Ayon sa binata ay mabuting tao raw si Senator Chiz kaya alam niyang makakasundo talaga ito ng aktres. “I’m really happy for her and Chiz. They deserve each other. They look good together. I’m sure Chiz will take care of her. He’s really nice guy. I met him already,” pagbabahagi ni Daniel.

Ngayon ay walang karelasyon si Daniel pero nakahanda naman daw siya kung sakaling may dumating na babae para sa kanya. “Actually, I hope I find the right one. In God’s time, I believe it will come. Maybe soon, you never know. So yes, I’m ready. Actually I’m really ready. Let’s see,” pagtatapos niya.

Marissa personalna nagbebenta ng kanyang album, parang may networking

Isa si Marissa Sanchez sa pinakamagagaling na komedyante sa telebisyon at pelikula. Ngayon ay nag-release ang aktres ng kanyang bagong album na may titulong Slowing It Down na distributed ng Universal Records. Ibang-iba ang atake ni Marissa sa pagkanta sa nasabing album. Kahit available na sa mga record bars ay naranasan daw ni Marissa na siya pa mismo ang magbenta ng kanyang mga sariling CD. “Nagpupunta ako sa city hall, kahit sa mga coffee shop nagdadala rin ako. Like one time, I was with Ogie Diaz, we went to this coffee shop along Quezon Avenue. Meron lang nagpa-picture sa amin, nilambing ko lang, aba, bumili ng 10 copies and another 10 copies sa isang table roon. Tuwang-tuwa ako,” natatawang kwento ni Marissa.

Hindi raw nahihiya ang komedyante sa kanyang pagbebenta nang personal ng sariling album. Malaki rin ang pasasalamat ni Marissa sa mga kaibigan na tumutulong sa kanya sa pagbebenta ng mga CD. “Hindi ako nahihiya dahil sobra akong proud sa album kong ito. Kaya binabraso ko ang mga friends ko to buy. Tapos ‘pag narinig na nila, they will ask kung meron pa dahil kumukuha sila ng maraming kopya para ipamigay sa mga friends. Tapos ito namang ibang friends na binigyan, nagtatanong din kung paano makabili ng ilang copies to give out to their friends. So ang nangyayari parang networking na. Wala silang kinikita pero ‘yung act of sharing the good news about the album, ‘yun ‘yung nage-gain nila. Sobra akong happy to know from them na they like all the cuts in the album. Wala raw tapon, sulit ang 200 nila,” pagdedetalye ni Marissa.

Samantala, pinaghahandaan na ngayon ng aktres ang kanyang pre-birthday concert na may titulong I Laff U na gaganapin sa October 29 sa Area 05 na dating Ratsky sa Tomas Morato. Reports from JAMES C. CANTOS                                            

Show comments