Aktor hindi nag-sorry sa aktres na minanyak!

Hindi pa nagso-sorry sa aktres ang aktor na na­ging rason ng pagkakasakit ng una at pagkaka-confine sa ospital. Basta hindi na lang ito nagparamdam, pero siguradong alam niya ang nangyari sa aktres dahil na-report sa mga dyaryo.

Pasalamat ang aktor at ayaw na lang palakihin ng aktres at ng manager nito ang nangyari, pero ayaw na siyang makatrabaho ng aktres ever. Kahit maganda ang project at maganda ang role, never mind na lang daw.

Puro kabastusan ang lumabas sa bibig ng aktor sa buong panahong nagti-taping sila ng aktres at wala itong pakialam kahit naririnig ng staff ng show ang kanyang mga sinasabing may pagnanasa siya sa aktres. Hindi na nahiya ang aktor na itinuring siyang kaibigan ng aktres, at kilala pa nito ang mister ng aktres.

Hinanap ang aktor, mga Thai nagkagulo Luis instant sikat sa Thailand dahil sa nag-trending na hubad na litrato

Mabilis na nakarating kay Luis Alandy ang balitang naging viral sa Thailand ang picture niyang naka-topless at matadero sa palengke. Bigla siyang sikat sa Thailand, hinanap ang palengke kung saan siya matadero at pangako ng mga naghahanap sa kanya sa Facebook, bibili sila ng maraming karne makita lang siya.

 “Sexy butcher” ang itinawag sa kanya sa social media sa Thailand at kumalma lang ang mga naghahanap kay Luis nang i-report na isa siyang Filipino actor at ang picture niyang kumalat ay kuha sa teleserye ng GMA 7 na Beauty Queen.

Tinanong namin si Noel Ferrer, manager ni Luis sa reaction ng aktor sa paghahanap sa kanya ng Thais at ang sabi, “Buti pa sa ibang bansa, na-appreciate ako. Sana dito rin.” Inalam ni Luis kay Noel kung puwede silang mag-explore ng opportunities na magtrabaho sa Thailand.

Tamang-tama dahil papunta si Luis sa Thailand para mag-shooting for a bookazine. Baka puwede siyang mag-guest sa mga TV show habang naroon at nang makita na rin ng Thai fans na naghahanap sa kanya.

Samantala, mapapanood si Luis sa primetime soap na Second Chances bilang husband ni Jennylyn Mercado. Ang dinig namin, hindi na lang siya guest, pabalik-balik na ang role niya.

Show comments