Dawn Zulueta: 'Di ko kapatid si Bamboo

MANILA, Philippines – Nagsalita na si Dawn Zulueta tungkol sa kumakalat sa internet na kapatid niya ang singer na si Bamboo Mañalac.

Sinabi ni Dawn na iisa lamang ang kanyang biological brother na si George at dalawang half-brothers na sina Jed at Josiah.

Binasag niya ang kanyang katahimikan dahil sa “this tattle is both disconcerting and mortifying to my parents.”

Humihingi rin si Dawn ng pabor kay Bamboo na pabulaanan ang mga balita.

“I exhort him to submit his own account on this gossip-gone-viral, as a courtesy.”

Nakiusap ang batikang aktres na huwag basta-basta magpakalat ng mga maling impormasyon.

“Please check and re-check your sources. And I hope after this statement I've made, we can put an end to this confounding tall tale.”

 

 

Show comments