Rufa Mae may ituturo sa mga mommy
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - August 12, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Kung ang mga mommies na palaging busy at wala nang time magpa-sexy, ituturo ng Kapuso actress na si Rufa Mae Quinto ang One Song Workout, ang pinakabagong paraan to stay fit ngayong Martes (Agosto 12) sa Basta Every Day Happy.

Kasama sina Donita Rose, Gladys Reyes, Alessandra de Rossi, at Chef Boy Logro, tutulu­ngan nila ang mga mommies ng mga paraan how to stay sexy kahit maraming activity. Susulusyunan din nila ang problema ng isang mommy na nagtatrabaho bilang isang call center agent. Maraming tips ang makukuha kung paano magpapanatili ng healthy lifestyle kahit unhealthy ang schedule.

Magtuturo rin si Chef Boy ng isang healthy and easy-to-cook salad recipe na pwedeng gawing subs­titute sa isang meal. Kaya walang dahilan, kahit gaano pa ka-busy malalaman ninyong keri n’yo pa ring magpa-sexy.

Huwag kayong magpapahuli dahil kapag alas-onse na, happy-happy na sa Basta Every Day Happy! 

Usapang buhok ang nangunguna raw sa hair-related concerns ng mga babae ang hair loss, paano nga bang hindi kayo maaapektuhan kung ito nga naman ang itinuturing nating crowning glory?  Kaka­yanin niyo ba ang look na no-buhok?  Tatalakayin ito ngayong Miyerkules live na live. 

Sasamahan din sila ng singer-songwriter na si Abby Asistio na may Alopecia Areata, isang hair loss disease na kanyang ininda simula pagkabata. Pakinggan ang mga tips sa pangangalaga sa inyong buhok sa tulong ng mga sangkap na mahahanap sa inyong mga bahay. 

Alamin din kung paano magkakapag-ayos ng inyong buhok sa tulong ng mga gamit sa bahay na hindi ninyo akalaing magagamit sa inyong buhok.

Sa usapang pagkain naman, alamin mula kay Chef Boy Logro ang epektibo at mabilis na paraan sa pagtanggal ng buhok sa karne ng baboy bago ito lutuin. 

Kung nabibigatan naman kayo sa gastusin para sa pagbili ng mga panlinis sa inyong banyo, abangan ang napaka-informative na usapan ngayong Huwebes (Agosto 14).

 

ABBY ASISTIO AGOSTO ALOPECIA AREATA BASTA EVERY DAY HAPPY CHEF BOY CHEF BOY LOGRO DONITA ROSE GLADYS REYES
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with