Sinusubuan pa! Jennylyn araw-araw hinahatiran ng pagkain si Mark: Babaeng nagpapa-interview tungkol sa sex video ni Paolo nakikisawsaw lang

PIK: Bibigyan ng send-off party si Mark Bautista sa Sunday All Stars ma­mayang hapon. Isasabay na rin ang birthday celebration nito, pati ang isa pang birthday boy na si Derrick Monasterio.

Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin gaanong nagsi-sink in kay Mark na aalis na siya pa-London para sa bagong career niya bilang theater actor, na kung saan siya ang gaganap na Ferdinand Marcos sa musical play na Here Lies Love sa West End.

PAK: Halos araw-araw pala ay dumadaan si Jennylyn Mercado sa burol ng Daddy Jun ni Mark Herras para dalhan doon ng pagkain ang aktor.

Naiintriga ang mga taong naka­kakita sa pagdating ni Jennylyn dahil may dala itong pagkain para kay Mark at minsan ay sinusubuan pa raw niya ito.

Magmula nang pumanaw ang kinikilalang ama ni Mark, halos hindi makakain ang huli kaya concern si Jennylyn sa kalusugan ng ka-love team niya.

Tinutukso namin si Mark tungkol diyan, pero wala raw ‘yun. Huwag na raw lagyan ng malisya ang closeness nila ni Jennylyn.

BOOM: Nagbigay ng statement ang manager ni Paolo Bediones na si Noel Ferrer sa Startalk kaugnay sa ilang nakikisawsaw sa isyu ng sex video scandal.

Inikot kasi nitong China Roces ang halos lahat na interviews para sabihin lang na hindi raw siya iyun. Umiyak-iyak pa ito sa huling interview sa kanya sa Startalk dahil binu-bully na raw siya sa social media.

Meron pa raw siyang kaibigan na girlfriend daw ni Paolo na gusto na rin daw magsalita, na hindi naman pala totoo.

Ang pakiusap ng kampo ni Paolo, sana mag-focus sa totoong isyu; sino ang nagkalat ng naturang video at kung sino itong nag-i-extort kay Paolo na hindi naman niya pinatulan.

Hindi lang kay Paolo nangyayari ang extortion kundi pati sa ibang may naglabasang sex video.

Pahayag ng manager ni Paolo na si Noel Ferrer: “More statements from Paolo, especially those who aren’t involved would just muddle the issue. There are bigger issues of extortion and blackmail, invasion of privacy and violation of the anti-cybercrime law that need to be addressed.

“Let us all just help put a stop to this. Maraming salamat po!”

Show comments