Paolo napakinabangan ang video scandal

Mukha namang may benepisyo na nakukuha si Paolo Bediones sa napapanood niyang sex video. Pinatutunayan nito na isa siyang tunay na lalaki.

Dati kasi ay pinagbibintangan siyang bakla, pero sa paglabas ng video, kinikilala na siyang macho. Kaya medyo nabawasan ang kanyang kabiglaanan sa paglabas ng nasabing video na sa ating bansa ay hindi nakaaapekto nang malaki sa lalaki, pero nakakabawas ng respeto sa babae. Bakit kaya ganun?

Sen. Nancy pasensyosa kaya lagIng pinaglalaruan

Poor Sen. Nancy Binay, pinaglaruan na naman ang isinuot niyang dalawang gown sa State of the Nation Address (SONA) ni P-Noy. Wala nang magagawa pa ang pasensyosang senadora dahil nagiging paborito na siyang libangan ng mga kababayan niya. Paano kasi, hindi siya pikon. Idinadaan na lang niya sa pananahimik ang ginagawa nilang pamimintas sa kanya. Kapag pinatulan niya ay baka mas lumala pa ang sitwasyon kaya nakikisabay na lang siya. Hindi naman mahalaga kung ano ang sinasabi nila tungkol sa kanya, ang mahalaga ay hindi siya pabaya sa kanyang trabaho sa Senado. Dito ay hindi nila siya mapipintasan.

Alessandra OA na kay Heart?!

Sana huwag nang masyado pang palakihin ni Alessandra de Rossi ang hindi sinasadyang pagbubunyag ni Heart Evangelista ng tunay na relasyon nila ni Sid Lucero. Ke totoo man o hindi ang ibinulgar nito, hindi naman siguro ‘yun nakasira sa pagkatao niya. As if naman meron silang mga asawa o ibang karelasyoin na maaapektuhan sa sinabi ni Heart. Baka natuwa lang ito sa relasyon nila but I’m sure wala itong masamang motibo na makasira.

Sen. Tito at Helen excited na sa apo kay Ciara

After four years, buntis na si Ciara Sotto. Ang tagal nilang hinintay ito ng kanyang asawa. Ngayon naman siguro ay babawasan na niya ang pagsasayaw niya para maisilang niya ito nang walang problema. Pero bakit ko pa siya papayuhan? I’m sure ginagawa na ito ng mga excited na magulang niya. ‘Di  ba Tito Sen. (Sotto) and Helen (Gamboa)?

Show comments