Jodi hindi dinumog nang sumakay sa MRT

Maraming ginulat na MRT commuters si Jo­di Sta. Maria nang makita siya kamakailan na suma­kay dito. Hindi naman siya dinumog in fairness. Parang nasiyahan lang ang mga kasakay niya na makasama nila ang isang celebrity. Nagkasya na lang silang ha­ngaan iyon in silence.

Dumarami na ang mga sikat na nakikitang sumasakay ng MRT. Nauna na si Kris Aquino at pagkatapos ay si Anne Curtis. Ma­ging kasing behaved din kaya sila kapag si Daniel Padilla na ang makasabay sa tren?

Paolo masuwerte sa Kapatid Network

Sa halip na kondenahin si Paolo Bediones ng kanyang network na TV5 dahil sa lumabas niyang sex video, ibi­nigay na lamang ng istasyon sa kanya ang kanilang paggalang at suporta. Sinabi rin ng network na ang nangyari ay isang pribadong bagay at wala silang kinalaman dito.

Amg galing naman! Suwer­te ni Paolo na maging isang Kapatid.

Mas dumami ang fans, Lea hinangaan sa pagpapakumbaba kay Daniel

Kapuri-puri rin naman ang ginawang pag-amin ni Lea Salonga sa kanyang kasalanan at ang paghingi niya ng tawad kay Daniel Padilla at sa mga fans nito. Tuloy, mas minahal siya ng mga tagasubayabay ng local entertainment dahil kahit malaking tao na siya ay marunong pa rin siyang magpakumbaba at aminin ang kanyang pagkakamali. Mabuhay ka, Lea! At si Daniel naman, ni hindi inisip na magalit kay Lea. Nakakatuwa na ganito ang attitude nila kasi sobrang mga sikat na sila.

Show comments