Richard malaki ang ipinayat sa Italy

SCENE: Kailangan ni Julie Anne San Jose ng stylist at make-up artist dahil hindi kaaya-aya ang kanyang hitsura  nang mag-perform at mag-judge siya sa Philpop 2014 noong Sabado. Dapat iwasan ni Julie Anne ang pag-e-experiment sa sarili. 

SEEN: Ang 2002 Hollywood movie na The Scorpion King without commercial breaks ang itinapat kagabi ng GMA 7 sa grand finale night ng The Voice Kids ng ABS-CBN.

SCENE: Ang pinakaguwapong si Sam Concepcion ang introduction ni Jasmine Curtis Smith sa kanyang boyfriend na judge sa Philpop 2014. 

SEEN: Nag-boomerang kay Claudine Barretto ang kanyang pasabog na battered wife siya dahil lumabas ang katotohanan na bunga ng post-surgical procedure ang mga pasa sa mukha niya.

SCENE:  Bantay-sarado si JM De Guzman ng kanyang ama mula nang lumabas siya sa rehabilitation center. Doble ang pagbabantay kay JM dahil sa desisyon nito na magbalik-showbiz. 

SEEN: Malaki ang ipinayat ni Richard Gutierrez mula nang manggaling siya sa World Ducati Week na ginanap sa Misano, Italy. Si Richard ang representative ng Pilipinas sa World Ducati Week.

Show comments