Be Careful thanksgiving sa Big Dome, sa Biyernes na!

MANILA, Philippines - Makikanta, makisayaw, at maki-party kasama sina Maya (Jodi Sta. Maria), Ser Chief (Richard Yap) at ang buong cast ng Be Careful With My Heart sa libreng show na pinamagatang I HEART YOU 2: The ‘Be Careful With My Heart’ Anniversary Thanksgiving. Ang espesyal na pagdiriwang ng ikalawang anibersaryo sa daytime TV ng number one “feel-good habit” ng bayan ay gaganapin ngayong Biyernes (Hulyo 25), alas-otso ng gabi, sa Araneta Coliseum. Magpapasaya rin ng mga Kapamilya sa thanksgiving sina Erik Santos, Juris, Richard Poon, at Morisette Amon. Samantala, patuloy na ma-inspire sa Be Careful With My Heart araw-araw, bago mag-It’s Showtime sa Primetanghali ng ABS-CBN. 

 

Show comments