Sinumbatan sa pagpapa-interview, Julia nakipagsagutan sa amang si Dennis

PIK : Pumirma na ng kontrata sa Viva Films si Tom Taus at gusto na niyang mag-concentrate ng showbiz career sa bansa.

Kararating lamang nila ni Antoinette Taus, pero naintriga na agad si Tom.

Na-link siya kay Andi Eigenmann nang namataan silang magkasama sa Boracay nung nakaraang summer.                       

Pero inulit niyang ‘wag lagyan ng malisya ang closeness nila.

PAK: Aminado si Ellen Adarna na may mga nude photos siya dahil kuha raw ‘yan noon sa isang pictorial.

Sabi nga niya nung ini-launch siya bilang bagong endorser ng Bench Body, hindi raw niya itinatangging nagpa-pictorial siyang hubad, at band aid nga lang daw ang takip. Pero hanggang dun lang daw. Malabo raw ‘yung sex video. Imposible raw talagang may sex video siya dahil never daw siyang nagpakuha ng ganun sa mga naging boyfriend niya.

BOOM: Kinuwento ng abogado ni Julia Barretto na si Atty. Lorna Kapunan na nakausap daw ng young actress si Dennis Padilla pagkatapos magpa-interview ang huli sa Startalk tungkol sa pagpapalit ni Julia ng apelyido at ibalik na sa Barretto.

Sabi raw ni Julia, hindi raw maganda ang kanilang usapan na kung saan nasigawan pa raw ito ng kanyang ama.

Tinanong namin si Dennis kung totoo ito, text niya sa amin: “It’s a private conversation between a father and a daughter. No comment.”

Malungkot daw na umalis pa-London si Julia dahil sobrang apektado sa interbyung iyun ni Dennis. Dumami kasi ang bashers niya dahil lumabas daw siyang masamang anak.

Pero sabi ni Atty. Kapunan, ginawa lang naman daw ni Julia na maging legal ang pangalan niya pagkatapos daw na mapatunayang null and void ang kasal nina Dennis at Marjorie. Dati naman daw kasi siyang Barretto, kaya ibinalik lang daw nito ang dati niyang apelyido dahil lalabas siyang illegitimate kapag gamit pa rin ang apelyidong Baldivia ni Dennis Padilla sa mga legal documents nito.

Show comments