Sinu-sino ang magiging pambato ni coach Sarah?

MANILA, Philippines - Tunghayan ang mas palaban at mas hands-on na coaching style ni Sarah Geronimo sa huling yugto ng Battle Rounds at Sing-Offs tampok ang kanyang team sa The Voice Kids ngayong Sabado at Linggo (Hulyo 12 at 13).

Pipiliin na nga ng Popstar Royalty ang kanyang huling dalawang pambato sa top-rating at Twitter-trending singing competition na aabante sa live Semi-Finals kung saan makakabangga nila sina Darlene at Tonton ng Team Lea at Juan Karlos at Edray ng Team Bamboo.

Abangan ang makapigil-hiningang pasiklaban nina Darren, ang kambal na sina JM at JC, at Sam sa kantang What Makes You Beautiful; Don Angelo, Twittle, at Earl sa Dadalhin; Khen, Kyle, at Rica sa Telephone; Triscia, Diana, at Hannah sa Better Days; Isaac, Lee, at Lyca sa Isang Lahi; at Musika, Gab, at Mitz sa A Thousand Miles.

Matapos ang pagpapakitang gilas ng young artists sa kani-kanilang team ay haharap na sila sa mas mainit na kumpetisyon at hatol ng publiko sa live Sing-Offs sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila sa susunod na linggo. Sino ang magtatagumpay at sino ang uuwi?

 

Show comments