Dahil sa chemo, anak ni Jackie Forster hindi na makakain

SEEN: Ikinukumpara ang lifestyle ng mga anak ni Senator Jinggoy Estrada sa lifestyle ng mga anak ni Janet Napoles.

Dati nang mayaman ang pamilya Estrada at nouveau riche ang mga Napoles.

SCENE: Iniiwanan si Janet Napoles ng kanyang mga abogado dahil matigas ang ulo niya.

Nagmamarunong si Janet sa kanyang mga tagapag-tanggol.

SEEN: Ang Maleficent inspired outfit ni Gretchen Barretto sa coronation night ng Miss Manila 2014 noong Martes.

SCENE: Ayaw ni Julia Barretto na napag-uusapan ang kanyang pamilya kaya hindi niya sinagot kahapon sa farewell presscon ng Mirabella ang tanong tungkol sa pagpapalit niya ng apelyido.

SEEN: Baldivia ang family name ni Dennis Padilla, ang ama ni Julia Barretto.

Gusto ni Marjorie Barretto na Barretto na kanyang maiden name ang gamitin ng anak niya.

SCENE: Balik-GMA 7 si James Blanco dahil kasama siya sa cast ng television remake ng Mga Batang Yagit. Nagsimula sa bakuran ng GMA 7 ang showbiz career ni James.

SEEN: Humihiling ng dasal si Jackie Forster para sa kanyang anak na may sakit na leukemia na nahihirapan na kumain at magsalita dahil sa mouth sores na resulta ng chemotherapy procedure.

SCENE: Ipalalabas sa mga sinehan sa September 2014 ang Dementia, ang first directorial job ni Perci Intalan. Ipalalabas sa TV ang original plan ni Perci para sa Dementia na tinatampukan nina Nora Aunor at Jasmine Curtis Smith.

Show comments