Misis tinitiis lang daw ang sakit dancer na karelasyon ng komedyante, nanganak na raw
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - June 16, 2014 - 12:00am

PIK: Tamang-tama lang sa selebrasyon ng Father’s Day ang pagsisimula nang promo ng bagong afternoon drama ng GMA 7 na Dading na pagbibidahan ni Gabby Eigenmann.

Malaki ang pasasalamat ni Gabby sa break na binigay sa kanya ng GMA 7. Malaking challenge rin sa kanya ang role na ibinigay na ang iba ay kinukuwestiyon pa ang kanyang kakayahan.

Maraming nagsasabing mas bagay kay Paolo Contis ang role na iyon, pero katatapos lang kasi ni Paolo sa Villa Quintana, kaya hindi raw puwedeng siya uli ang mapapanood sa afternoon prime ng Kapuso network.

PAK: Pinagtawanan na lang ni Lian Paz nang nalaman niyang sinabi ni Mark Herras na sa lahat na mga ex-girlfriend nito, siya raw ang pinakamadaling sumagot.

Hindi na siya na-offend dahil kaibigan naman niya si Mark, at matagal na raw iyon at masaya na rin naman daw siya sa love life niya ngayon.

Mabuti na lang daw at hindi niya napanood ang interbyung iyon sa Startalk dahil abala siya noon sa mga bisita niyang dumating sa blessing ng bahay niya sa Pasig.

Kasama ni Lian ang bagong boyfriend niyang taga-Cebu at all-out ang suporta sa kanya. Totoo kayang itong bagong boyfriend niya ang nagbayad ng balanse sa bahay na iyon?

BOOM: Kahit anong deny ni male TV personality sa balitang sila pa rin ng magandang dancer na kasama niya sa isang malaking iskandalong kinasangkutan nila, lalong lumalala ang mga kuwentong kumakalat tungkol sa kanilang dalawa.

Ang latest na kuwentong nakarating sa amin, nagbunga na raw ang bawal na relasyon ng dalawa at hindi lang sure ang aming source kung nakapanganak na ito.

Tinitiis na lang daw ng misis ni male TV personality ang lahat, alang-alang sa kanilang mga anak.

Saka pinagsasabihan na raw si misis na huwag nang magsalita para hindi na lalong lumaki ang gulo.

CEBU GABBY EIGENMANN KAHIT KAPUSO KASAMA LANG LIAN PAZ MARK HERRAS PAOLO CONTIS VILLA QUINTANA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with