^

PSN Showbiz

Mrs. Real papalitan ng show ni Dennis!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Matutuwa ang fans ni Dennis Trillo na matagal na ring naghihintay ng next soap niya after ng successful My Husband’s Lover dahil inihahanda na ang susunod na pagbibidahan niyang soap. May tentative title na Stolen Memories to be directed by Dominic Zapata.

Sabi ni Direk Dom, sundalo ang role ni Dennis. Kung walang magiging problema, end of this month niya si­simulan ang taping ng soap na ipapalit daw sa Ang Dalawang Mrs. Real.

Kaya lang, gusto muna ni Dennis na tapusin ang shooting niya ng 2014 Cinemalaya entry na The Janitor at ang taping ng Sa Puso ni Doc, ang mini-series nila ni Bela Padilla sa GMA News TV, bago simulan ang taping ng kanyang bagong programa na si Kris Bernal ang makakapareha.

Ryan gusto talagang mag-comedy

Absent sa Eat Bulaga every Tuesday si Ryan Agoncillo dahil nagti-taping siya ng sitcom na Ismol Family.

Ipinagpaalam niya kay Mr. Tony Tuviera ng TAPE Inc., ang tungkol dito at pumayag dahil alam nito na gusto niyang muling gumawa ng sitcom.

Kinuwento ni Ryan, sa negosasyon pa lang nila sa GMA 7, napag-usapan na ang sitcom at pagbalik nila sa bakasyon from New Zealand, nakalatag na ang lahat. Happy siya sa story at co-stars sa sitcom at first time niya to work full-time with director Dominic Zapata.

Sa June 22, Sunday, ang airing ng Ismol Family at ka-back-to-back ito ng Pepito Manaloto.

Samantala, si Judy Ann Santos at mga anak nilang sina Yohan at Lucho  ang guest sa Picture! Picture! sa June 15 na Father’s Day presentation at dapat last episode na ng game show na niri-request na i-extend ang show at lalong may rason na i-extend ito dahil nabigyan ito ng Certificate For Creative Excellence from the U.S. International Film and Video  Festival in LA. Ang show lang ang only winner sa shows ng Entertainment TV.

LQ lang pala, showbiz couple nagkaayos na naman!

Hindi na magmumukhang lutang ang hitsura ng aktor na ito dahil hindi natuloy ang break-up nila ng kanyang actress girlfriend. Hindi na rin itinuloy ng aktor ang pagpapabura sa tattoo na pangalan ng nobya sa kanyang braso.

Nakapag-usap ang dalawa bago pa lumala ang kanilang problema at bago pa maapektuhan lalo ang aktor na alam ng common friends nila na mas in-love kesa sa aktres.

Patunay na all is well sa love birds, lagi na naman silang magkasama at sa isang sightings sa kanila, pareho ang suot na jacket at eyeglasses.

Carla paborito si Judy Ann

Every Sunday lang ang airing ng Ismol Family at nakapag-advance taping na rin ng three episodes si direk Dominic Zapata, kaya makaaalis siya para samahan ang parents at kaibigan ng mga magulang na pupunta sa Our Lady of Lourdes sa France at Our Lady of Fatima sa Portugal.

Maganda ang paliwanag ni Direk Dom kung bakit comedy ang bago niyang project, stable na raw ang TV ngayon at panahon na para ibalik ang pamamayagpag ng sitcom na part na ng Filipino culture. Mabibigyan na raw uli ng trabaho ang mga komedyante na nawalan nang tumamlay ang sitcom.

Mababanggit din si Judy Ann Santos as the favorite actress of Carla Abellana at dream come true kay Direk Dom kung makakapag-guest si Judy Ann.

 

BELA PADILLA

CARLA ABELLANA

CERTIFICATE FOR CREATIVE EXCELLENCE

DIREK DOM

DOMINIC ZAPATA

EAT BULAGA

EVERY SUNDAY

ISMOL FAMILY

JUDY ANN

JUDY ANN SANTOS

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with