Anne may patikim sa ‘Forbidden’

MANILA, Philippines - Bibigyang pugay ng ASAP 19 ang lahat ng mga nanay sa buong mundo para sa pagdiriwang ng Mother’s Day ngayong Linggo (May 11).

Tiyak na maaaliw ang lahat sa sorpresang hatid ng Philippine Concert Sweetheart na si Anne Curtis sa paglulunsad ng official soundtrack ng Dyesebel at sa patikim nito ng kanyang upco­ming concert na The Forbidden Concert: Round 2: Annekapal. Ito ay susundan ng nakakakilig na harana ng Kapamilya heartthrobs na sina Piolo Pascual, Gerald Anderson, Xian Lim, at JC de Vera.

Abangan din ang special performance ng birthday celebrant na si Paulo Avelino; at ang kaabang-abang na production number ng Kapamilya teen stars na sina Kathryn Bernardo, Julia Barretto, Janella Salvador, at Liza Soberano.

Tuloy-tuloy ang selebrasyon ng programa sa paglulunsad ng segment na  GimmeGimmick na pangungunahan ng  ASAP boy group na Gimme 5 na kinabibilangan nina Nash Aguas, Brace Arquiza, Grae Fernandez, John Bermundo, at Joaquin Reyes, kasama sina Alexa Ilacad, Sharlene San Pedro, Noemi Oineza, at Mika dela Cruz.

Tribute para sa mga ina naman ang ihahandog ng celebrity kids na sina Paolo Valenciano, Zia Quizon, Janella Salvador, Jayda Avanzado, at Alyssa at Gabi Gibbs.

Paiinitin naman ng hot mommies na sina Sunshine Cruz, Regine Tolentino, at Vina Morales ang ASAP dance floor sa isang sizzling ballroom dance showdown.

Samantala, sunod-sunod na world-class performances naman ang dapat abangan concert stage sa makatindig-balahibong vocal act nina Martin Nievera, ZsaZsa Padilla, Vina Morales, at Gary Valenciano; at sa special concert treat ng The Cascades kasama sina Juris, Richard Poon, at Aiza Seguerra. Magkakaroon din face-off sa center stage ang ASAP Pinoy Champs na sina  Erik Santos, Yeng Constantino, Jed Madela, at Angeline Quinto; na susundan ng must-see collaboration nina Jovit Baldivino, Marcelito Pomoy, KZ Tandingan, at Markki Stroem.

Humanda rin para sa isa na namang makapigil-hiningang performance nina Maja Salvador at Shaina Magdayao sa segment nilang MASH; at sa nakamamanghang Supahdance showcase nina John Prats, Rayver Cruz, Iya Villania, Nikkki Gil, Arron Villaflor, at Gab Valenciano.

 

Show comments