Erich at Jessy may summer shindig

MANILA, Philippines - Sasalubungin ng ASAP 19 ang buwan ng Mayo hatid ang engrandeng summer festivals ngayong Linggo (May 4).

Mamangha sa husay ng nag-iisang Asia’s Nightingale, Lani Misalucha sa paglulunsad ng kanyang bagong album mula sa Star Records. Rarakrakin ni GLOC 9 ang ASAP stage habang kakaibang acoustic jamming naman ang handog ni Jimmy Bondoc.

Mainit na summer shindig naman ang dala nina Erich Gonzalez at Jessy Mendiola kasama ang Meg plus models na sina John Spainhour, Mauro Lumba, at Hideo Muraoka. May special teen treats din mula kina Mavy and Cassy,  Bugoy Carino, at Andrea Brillantes.

Pagliliyabin nina Enchong Dee, Iya Villania, Shaina Magdayao, Iza Calzado, John Prats, Gab Valenciano, Sam Concepcion, Arron Villaflor at Julia Barretto ang dance floor kasama ang mga kilalang karakter ng Star Wars.

Makatindig-balahibong kantahan ang hatid nina Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Yeng Constantino, Aiza Seguerra, Klarisse De Guzman, Morissette Amon, Zia Quizon, KZ Tandingan, Princess Velasco, Paolo Onessa, Nyoy Volante, Jovit Baldivino, Thor, Marion Aunor at ASAP Sessionistas.

Kaabang-abang din ang pagsasa­nib-pwersa nina Mr. Pure Energy Gary Valenciano at OPM icon na si Noel Cabangon.

 Huwag palampasin ang longest-running at award-winning variety show ng sambayanan, ASAP 19, ngayong Linggo, 12:15 ng tanghali sa ABS-CBN.

 

 

 

Show comments