Vic maligayang-maligaya sa ginawa ni Pauleen sa kanyang birthday; Raymart sa sky diving inilalabas ang galit kay Claudine

PIK: Excited si Katrina Halili sa bagong role na ipinagkatiwala sa kanya ng GMA 7.

Siya ang gaganap na nanay ni Miguel Tanfelix sa bagong GMA Telebabad na Niño. This time, mabait daw siya rito kaya answered prayers daw ito para kay Katrina dahil gusto naman daw niyang gumanap ng isang mabait na role. Ka-partner dito ni Katrina si Tom Rodriguez bilang asawa niya.

PAK: Sky diving ang bagong hilig ngayon ni Raymart Santiago at ito raw ang pinagkakaabalahan niya kapag wala itong taping sa Villa Quintana.

Doon na lang daw inilalabas ni Raymart ang dinadalang bigat sa mga pinagdaanan niya ngayon.

Hindi pa rin daw kasi nito nakikita ang mga anak niya, kaya ipinaglalaban pa rin niya ito sa korte at umaasang sa lalong mada­ling panahon ay makikita na niya ang dalawang bata.

Sa May 9 ay iri-resume ang hearing ng child custody case at baka doon na niya makikita ang mga anak niya dahil hiniling ito ng korte na dalhin ni Claudine. At kung hindi siya magkakasakit uli.

BOOM: Isang surprise birthday party ang inihanda ni Pauleen Luna para kay Vic Sotto na nag-celebrate ng kanyang 60th birthday kamakalawa ng gabi.

Tinulungan si Pauleen ng mga anak ni Bossing Vic para mag-asikaso para mabuo ang masaya at intimate na party.

Punung-puno nang pagmamahal ang ipinost ni Pauleen sa kanyang Instagram pagkatapos ng birthday party.

“Today, I saw happiness in Vic’s eyes. The kind of happiness that no one can ever buy. He’s truly blessed man, in all ways. I am happy to have seen this with my own eyes. And also, to be a part of his life. God is really the best! With Him, NOTHING IS IMPOSSIBLE. I love you, babe. Happy happy birthday!”

Show comments