Magaling na aktor at aktres na nagkaanak, hiwalay na rin!

PIK: Naka-focus sa laban nina Manny Pacquiao at Timothy Bradley ngayong tanghali kaya wala munang Sunday All Stars.

Very positive ang lahat na magwawagi si Pacman kaya tuluy-tuloy na ang coverage ng GMA 7 sa kanya hanggang sa Startalk at 24 Oras Weekend.

PAK : Magandang balita ang pasalubong ng grupo na babalik galing ng Holy Land mamayang gabi.

Sina Sen. Bong Revilla at Cong. Lani Mercado, kasama sina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho ang magkakasabay na babalik mula sa sampung araw na biyahe sa Holy Land.

Doon na nila iniwan ang mga sama ng loob na likha ng sex video scandal na kinasangkutan ni Hayden.

Nag-post si Hayden sa kanyang Instagram account na nagkaayos na sila ni Sen. Bong at iyun daw ang pinakamasayang bahagi ng kanilang biyahe.

Bahagi ng post sa kanyang Instagram account : â€œBut this is really the most amazing part of the trip—a miracle. No judgments please and no sour comments. All heavens rejoice for another soul pledged for Christ.”

Kuwento rin ng kapatid ni Sen. Bong na si Andeng Ynares, masayang-masaya raw ang kuya niya nang nakausap niya ito sa telepono.

Kaya natutuwa rin siya na malaki ang naitulong ng biyaheng ito sa Holy Land.

BOOM: Isa sa mga araw na ito ay lalabas din ang kuwentong paghihiwalay ng magaling na aktor sa girlfriend niyang isa ring celebrity.

Ang buong akala namin sa pagpapakasal na ang kahahantungan ng kanilang relasyon dahil nagbunga ang kanilang pagmamahalan.

Sayang, at hindi rin maganda ang kinahantungan ng kanilang relasyon kahit meron na silang anak.

 Totoo bang isang magaling na aktres din ang bagong karelasyon nitong magaling na aktor?

Magkakaalaman din kung aaminin nila kapag magpu-promote na sila ng isang project na pinagsamahan nilang dalawa.

Show comments