Pang-apat na rape case inaasahan ng kampo ni Vhong

Vhong Navarro

MANILA, Philippines — Matapos lumutang ang pangatlong rape victim umano ni TV host Vhong Navarro, sinabi ng abogado ng artista na may parating pa.

Sinabi ni Alma Mallonga ngayong Lunes na may natanggap silang tip na may maghahain pa ng kasong panggagahasa kay Vhong.

"Please watch out because malakas ang tunog sa amin na merong another complaint ... Iba na naman," wika ng abogado sa isang panayam sa telebisyon.

Kaugnay na balita: Kampo ni Vhong ‘di nagulat sa pangatlong rape case

Dagdag nila na pakana na naman ito ng kampo ng negosyanteng si Cedric Lee na nambugbog kay Vhong noong Enero sa Forbeswood Heights condominium sa Bonifacio Global City sa Taguig City.

Nitong nakaraang linggo ay isang babaeng nakatrabaho umano ni Vhong ang naghain ng kasong rape sa “It’s Showtime” host sa Quezon City Prosecutor's office.

SInabi ng 26-anyos na babae na nangyari ang panggagahasa noong 2009 sa taping ng “I Love Betty La Fea” kung saan nagtrabaho ang umano’y biktima bilang double.

Kaugnay na balita: Ikatlong rape complaint isinampa vs. Vhong

"Hindi naman masyado itong nakakaapekto katulad nung mga nauna because this is something he expected .. Hindi po kami magpapadala sa takot at lalaban po kami," banggit ni Mallonga.

Nauna na ring isiniwalat ni Mallonga na nakatanggap siya ng banta sa kanyang buhay mula sa kampo ni Lee.

Nais umano ng mga nananakot sa kanya na bitawan ang kaso.

 

Show comments