Luis ibabalik muna sa eskuwelahan ni Gov. Vi bago isabong sa pulitika
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - February 28, 2014 - 12:00am

Kahapon sa programang Tapatan ni Tunying ay naging panauhin ni Anthony Taberna si Batangas Gov. Vilma Santos-Recto. Kamakailan ay napabalitang may plano rin na pasukin ng anak ni Ate Vi na si Luis Manzano ang pulitika pero, ayon sa actress-politician, ay malabo pa raw itong mangyari sa ngayon.

“I don’t think he’s ready. But if he decides to run for a position, I will send him to school first just like how Sen. Ralph Recto told me to do,” nakangi­ting pahayag ni Ate Vi.

Mukhang magre-retiro na mula sa pulitika si Gov. Vi kapag natapos na ang kanyang termino sa 2016. Masaya na raw siya sa ilang taon din niyang paglilingkod sa mga kababayan.

Anak ni Jackie Forster may blood clots

Nakiusap si Jackie Forster sa mga kaibigan at followers na ipagdasal ang kanyang anak na si Caleigh. Ibinalita ng aktres sa pamamagitan ng kanyang Instagram account na mayroong leukemia ang anak na babae. Kasalukuyang nasa Malaysia pa rin ngayon ang pamilya ni Jackie at nagsimula na ring ipa-chemotherapy ang anak noong Martes.

“My family and I want to express our gratitude to all of you who are standing in prayer with us for our beautiful #kikayCaleigh she is doing very well today. Remarkably well. I believe our good Lord is hea­ ling her through all of your prayers and with hands of His blessed angels-doctors and nurses here in Malaysia. Our dearest Caleigh has leukemia and she has started chemotherapy yesterday, this will be a long battle but it’s a battle We Will Win! She has been through a series of tests and transfusions the past three days so I would just like for us to pray together for her journey to be as easy as possible on her and that Victory will be ours! In Jesus’ name. The enemy doesn’t realize all Glory and Honor will Always be Given to our Lord. Caleigh belongs to our Abba Father and He has great plans for her (love) I already started calling her #superCaleigh she says she likes #superKikay lol #prayersForKikayCaleigh please #prayerWarriors #GodisGood #AllGloryBeToGod,” post ni Jackie sa Instagram.

Nauna nang humingi ng spiritual support sa mga kaibigan ang aktres para kay Caleigh noong nagkaroon ito ng mataas na lagnat, mga pasa, at blood clots.

Reports from JAMES C. CANTOS

 

ABBA FATHER AND HE ANTHONY TABERNA ATE VI BATANGAS GOV CALEIGH GLORY AND HONOR IN JESUS INSTAGRAM JACKIE FORSTER
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with