Bago nag-demanda ng rape, Roxanne Acosta parating talunan sa mga beauty contest
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - February 21, 2014 - 12:00am

PIK: Isa sa ini-enjoy ni Regine Velasquez sa Sarap Diva ay kapag mga couple ang special guest niya at naglalaban sa pasarapan ng luto.

 Bukas ng umaga ay cook-off challenge ng mag-asawang China Cojuangco at Chef Gino Gonzales, at Precious Lara Quigaman at Marco Alcaraz.

PAK: Ipagpapatuloy ngayong araw ang preliminary investigation sa Department of Justice ng mga kasong isinampa ni Vhong Navarro laban kina Deniece Millinette Cornejo, Cedric Lee, at mga kasamahan nito.           

Tiniyak sa amin ni Direk Chito Roño, manager ni Vhong, na hindi darating ang kanyang alaga dahil hindi pa rin daw ito handang harapin ang grupo ni Cedric.

Excited naman ang abogado ni Vhong na sina Atty. Alma Mallonga na du­malo dahil marami raw silang mga bagong pasabog laban sa mga kinasuhan nila. Dito raw nila mapapatunayan na nagsasabi si Vhong ng totoo.

Hindi naman sumasagot ang abogado nina Deniece sa tanong namin kung dadalo ba ang lahat na kinasuhan ni Vhong.

BOOM: Ayaw pa munang sagutin ng kampo ni Vhong Navarro ang panibagong rape case na isinampa laban sa actor/TV host ng isang model na si Roxanne Cabañero Acosta. Wala pa naman daw silang natatanggap na complaint.

Isang kontesera itong si Roxanne sa mga beauty contest kagaya ng Ms. Resort World at Ms. Bikini Philippines.

Tinanggal daw ito sa mga contestant ng Bini­bining Pilipinas nung taong 2011 dahil sa isang iskandalong kinasangkutan niya.

Sabi na lang sa amin ni Direk Chito, nag-“Throwback Thursday” lang daw itong mga kalaban ni Vhong.

Hindi na raw sila nagugulat kung sa susunod na linggo ay may isa na namang rape case na isasampa kay Vhong.

 

ALMA MALLONGA CEDRIC LEE CHEF GINO GONZALES CHINA COJUANGCO VHONG VHONG NAVARRO
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with