‘Sobrang proud na Kapuso pa rin ako’ - Dennis Trillo

Dennis Trillo. File photo

MANILA, Philippines - Masayang-masaya si Kapuso actor Dennis Trillo sa pagiging bahagi pa rin ng GMA Network sa nakalipas na 11 taon.

Muling pumirma ng exclusive three-year contract si Dennis sa Kapuso station kahapon kasama sina GMA Chairman and CEO Felipe L. Gozon, GMA President and COO Gilberto R. Duavit, Jr., GMA Films President Annette Gozon-Abrogar, GMA Entertainment TV's Senior Vice President Lilybeth G. Rasonable, Dennis' manager Popoy Caritativo at iba pang boss ng GMA.

“Sobrang proud ako na Kapuso pa rin ako,” wika ni Dennis na naging successful ang career kabilang ang pinakahuling soap opera na “My Husband’s Lover.”

“Excited na akong gumawa ng mga bagong shows. Excited na akong magtrabaho ulit. Wala na akong mahihiling pa,” dagdag niya.

Nagpasalamat si Dennis sa pagtitiwalang muling ibinigay sa kanya ng GMA-7.

“Kailanman hindi ko makakalimutan yung pagtitiwala na ibinigay nila sa akin. Secured ako sa GMA dahil alam ko na hindi nila ako pababayaan. Hindi ko nga napansin na 11 years na ako dito sa GMA,” wika niya.

“Dito ako sobrang kumportable dahil sila ang nagbigay sa akin ng mga projects na memorable kaya nandito ako ngayon,” banggit pa ni Dennis.

Samantala, napababalitang magkakaroon ng part 2 ang MHL kung saan kasama niya sina Tom Rodriguez at Carla Abellana.

“Well, may naririnig akong mga balita,” pag-amin niya. “Sana matuloy.  Pero kung sakaling magkakaro’n ‘yon ng part 2, gagawin namin lahat para mas lalo pa siyang kagiliwan.”

Show comments