Sekyu at condo admin maaring managot sa kaso ni Vhong

MANILA, Philippines - Maaaring managot sa batas ang administrator at security personnel ng condominium sa Taguig City kung saan umano binugbog ang TV host Vhong Navarro kapag hindi nakipagtulungan sa mga awtoridad.

Sinabi ni Taguig police chief Senior Superintendent Arthur Felix Asis na nahihirapan sila sa imbestigasyon dahil sa kakulangan sa mga impormasyon nakakalap.

Dagdag ni Asis na sumang-ayon nang makipagtulungan ang building administrator at kinatawan ng security agency ngunit kalaunan ay nagsabing hindi sila makapagbibigay ng salaysay.

"It is the responsibility of the building officers and security personnel to know what happens in their premises, thus we asked them to report to us," pahayag ni Asis.

"It is their responsibility to monitor what goes in, out and around their premises. Also, they must subject themselves to proper police proceedings so that we may progress with this case. If it will be proven that they are hiding records from the police, we will be forced to file an obstruction of justice case against them," dagdag niya.

Gumugulong na ang imbestigasyon ng Taguig police sa pambubugbog umano kay Navarro nitong Enero 22 sa loob ng isang condominium unit sa Bonifacio Global City.

Sinabi ni Navarro na binanatan at pinagbantaan siya ng grupo ng mga kalalakihan matapos bisitahin ang isang kaibigang babae nitong Miyerkules.

Dagdag ng artista na hiningian pa siya ng P2 milyon upang hindi ilabas ang video kung saan pinilit umano siyang sabihin na ginahasa ang 22-anyos na kaibigang babae.

Show comments