Luis at Angel inuunti-unti ang balikan
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - January 26, 2014 - 12:00am

Noong isang linggo ay ginulat ni Angel Locsin ang lahat nang magtapat ng kanyang tunay na nararamdaman tungkol sa dating kasintahan na si Luis Manzano. Inamin ng aktres na nakakaramdam pa siya ng pagmamahal para kay Luis.

Kamakailan ay sinagot naman ni Luis sa isang press conference sa Dubai ang naging pahayag ni Angel.

“I love her. We are definitely working things out. We are taking things step by step. If you asked, she obviously already answered,” nakangiting pahayag ni Luis.

Posible kayang magkabalikan pa ang dalawa pagkatapos nilang magkahiwalay noong 2009?

“She hasn’t answered me, but I am very vocal about it of clearing things with her. So I guess it’s just a matter of formality. I like to think that we both matured in our past love stories. So hopefully with all the things happening, it could be a new love story for us,” paliwanag ng aktor. Matatandaang nakumpirmang nagkahiwalay si Angel at ang kasintahan niya nang mahigit isang taon na si Phil Younghusband noong nakaraang Oktubre. Oktubre rin nang makumpirmang hiwalay na rin si Luis sa kasintahan niya ng dalawang taon na si Jennylyn Mercado.

Mariel takot magka-baby dahil sa responsibilidad

Mahigit tatlong taon nang mag-asawa sina Mariel Rodriguez at Robin Padilla pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagkakaroon ng anak. Ayon kay Mariel ay hindi pa raw siya handa na magkaroon ng responsibilidad bilang isang ina.

“Alam n’yo noong una parang feeling ko si Robin ang may ayaw. Pero ngayon parang ayaw ko na rin muna kasi parang it’s such a big responsibility. I don’t know if people realize how big the responsibility is,” bungad ni Mariel. “You have to not only take care of yourself but another human being. You have to make sure that the baby goes to school, and most important of all, you have to make sure that the baby grows up with good values. It’s a big responsibility that I’m not yet willing to take.”

Wala pa raw talagang plano sa ngayon na magkaroon ng sariling pamilya sina Mariel at Robin. May mga espekulasyon din na may health problem daw si Mariel kaya mahihirapan itong magbuntis.

“I don’t think there’s a problem. I haven’t had myself checked because nga I’m not planning. So, I haven’t done that,” giit ng aktres.

Ngayon ay 29 years old na si Mariel habang si Robin naman ay 44 years old na. Kasundung-kasundo rin ni Mariel ang apat na anak ni Robin sa dating asawa nitong si Liezl Sicangco. Reports from JAMES C. CANTOS                      

 

ANGEL LOCSIN JENNYLYN MERCADO LIEZL SICANGCO LUIS LUIS MANZANO MARIEL MARIEL RODRIGUEZ OKTUBRE PHIL YOUNGHUSBAND
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with