Luis sabit sa promo ng Legal Wife ni Angel!

SEEN : Damay si Luis Manzano sa publicity ng The Legal Wife dahil sa admission ni Angel Locsin na mahal pa niya ang ex-boyfriend.

SCENE :  Ang The Legal Wife ang ipapalit ng  ABS-CBN sa timeslot ng Maria Mercedes na magwawakas sa January 24. Dapat nang ipalabas ang The Legal Wife bago ito mabantilawan.  

SEEN : Ipapasagot kay Jennylyn Mercado ang statement ni Angel Locsin na mahal pa rin nito si Luis Manzano.

Si Jennylyn ang ex-girlfriend ni Luis at pareho sila ni Angel ng manager noon.

SCENE :  Miss Rachelle ang title ng send-off concert ni Rachelle Ann Go sa February 22 sa Meralco Theater.

Lilipad na si Rachelle sa London sa March para sa rehearsals ng Miss Saigon na itatanghal simula sa May 5, 2014 sa Prince Edward Theater, Soho, London

SEEN : Dinedma ni Sef Cadayona ang mga tanong tungkol sa reaksyon niya sa negative reviews ng pelikula nilang Kaleidoscope World, ang super flop movie na official entry sa 39th  Metro Manila Film Festival.

SCENE :  Masasaktan si Lexi Fernandez dahil sa “The who?” na tanong ng publiko. Sangkot si Lexi sa isang isyu na hindi sineryoso ng mga tao  dahil hindi siya kilala.

SEEN : Ang report ng Box Office Mojo International sa mga pelikula na ipinalabas sa nationwide Philippine theaters noong January 8 hanggang January 12. Hindi kasama sa report ang kinita ng eight local movies na kasali sa Metro Manila Film Festival 2013.

 

 

Show comments