John Lloyd gustong kalimutan ang 'pananampal' ni Anne Curtis
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - January 15, 2014 - 12:05pm

MANILA, Philippines – Nais ni John Lloyd Cruz na iwanan sa nakaraang taon kung ano man ang naging isyu sa kanila ng kapwa Kapamilya star na si Anne Curtis.

Nitong Disyembre ay nasangkot sa malaking isyu ang dalawa nang sampalin umano ng lasing na Anne si John Lloyd sa isang bar sa Taguig City.

 â€œKung iyong ano pa rin... diyos ko, wala na, ayoko na talagang ano. Kasi hahaba, hahaba nang sobra dahil may kanya-kanyang versions,” sabi ng batikang aktor na iniulat ng isang news website.

 â€œLet it rest, hayaan natin. Hindi na magandang pag-usapan,” dagdag niya.

Para sa bagong taon, gusto ni John Lloyd na mag-focus sa mga bagong proyekto kabilang ang pinakabagong sitcom ng ABS-CBN na “Home Sweetie Home” kung saan kasama niya si Toni Gonzaga.

May nakalinya ring gawing pelikula ang comedy/actor kasama si Maria Mercedes star Jessy Mendiola, Gretchen Barreto at Richard Gomez.

Sa huli ay sinabi niya na masaya siya sa kanyang buhay dahil sa mga blessing na natatanggap lalo na sa kanyang career.

 â€œWala namang ibang rason na hindi maging masaya,” banggit ni John Lloyd.

 â€œMaraming mga biyaya ang binibigay ng Diyos, 'yong mga nangyayari sa ating mga personal na buhay.”

ANNE CURTIS GRETCHEN BARRETO HOME SWEETIE HOME JESSY MENDIOLA JOHN LLOYD JOHN LLOYD CRUZ MARIA MERCEDES NITONG DISYEMBRE RICHARD GOMEZ TAGUIG CITY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with