Beauty at fashion forecast ni Mader Ricky sa 2014 malalaman na

MANILA, Philippines - Tutukan ang Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh (GRR TNT) sa GMA News TV ngayong Sabado alas nuwebe ng umaga para malaman kung ano naman ang forecast ni Mader Ricky Reyes pagdating sa kagandahan, fa­shion, at kalusugan.

Panauhin ang mag-inang Millie at Karla Reyes na ipakikita kung anu-anong putahe ang mailuluto sa mga natirang pagkain nung Noche Buena at Media Noche. Maaaring tularan ang mga recipe nila sa left-over food kaysa hayaan lang manigas ito sa refrigerator.

Matapos ang usong hair straightening ay kalolokahan ng mga babae ang “Sexy Curls” o kinulot na buhok na maaaring matikman sa mga Gandang RR Salon sa Luzon, Bisaya, at Mindanao. May mga modelong gagawan ni Mader ng curls sa pamamagitan ng mga daliri.  Matapos maayusan ng beauty guru ay nasabi ng mga byuti at seksing modelo ang, “Sexy curls … wow!”

Itatampok din sa programa ang mga fashion trends at hairstyles nung isang taon.  Gayundin ang mauusong tabas ng damit at ayos ng buhok sa Year of the Wooden Horse. “Okey lang makiuso.  Kaya lang, dapat  alam ng customer kung babagay sa kanya ang hair style at tabas ng damit,” sey ni Mader.

 

Show comments