Justin Bieber ‘babalik’ sa TV5

MANILA, Philippines - Dala nang ’di mabilang na requests mula sa mga manonood at mga certified Belieber, muling ipalalabas sa TV5 ang Justin Bieber Special na Give Love. Give Back Philippines ngayong Sabado, 6:00 p.m. pre-empting Showbiz Police.

Muling balikan kung paanong napasaya at na-inspire ng international pop superstar ang mga survivor ng Yolanda sa surprise visit niya sa Tacloban City sa Leyte kamakailan, kung saan namigay ng regalo, nakipaglaro ng basketball, nakisayaw at nag-alay ng mga awit si Justin para sa mga ito.

Mapapanood sa TV5 special ang kumpletong interviews at exclusive video coverage at behind-the-scenes ng buong Tacloban trip ng teen heartthrob. Parte ng #GiveBackPhilippines campaign ni Justin ang pagbisita niya sa bansa, isa pang dahilan kung bakit mas lalo siyang napamahal sa mga Pinoy.

Hatid ng Smart at PLDT, tutukan ang Give Love. Give Back Philippines replay bukas ng gabi sa TV5.

Show comments