Lola Putol kinilala ni Mel Tiangco

MANILA, Philippines - Kapag ang isang magulang, sino ang may res­pon­sibilidad na alagaan siya? Paano naman ang mga taong tumanda nang walang nagiging anak?

Ngayong Sabado, samahan si Ms. Mel Tiangco sa kanyang pagkilala kay Veronica “Ning” Martinez, ang kinikilalang Lola Putol, tindera ng mga basura sa siyudad ng Maynila.

Matandang dalaga. Hindi ikinasal. Pero may anak, may mga apo. Paano nangyaring ang baba­eng hindi pinagpala sa pag-ibig ang naiwanan para mag-alaga ng mga batang hindi naman siya ang nagluwal? At sa kanyang pagyakap sa inakong res­ponsibilidad, ano ang gagawin ni Ning ‘pag malaman niyang may breast cancer pala siya at maaari siyang mawala sa buhay ng mga batang pinangako niyang aalagaan at mamahalin?

Alamin ang kaniyang kuwento, sa natatanging pagganap nina Rita Avila, Anita Linda, Luis Alandy, Mercedes Cabral, Joana Marie Tan, Jerould Aceron at Aaron Ching sa pre-Christmas presentation ng Magpakailanman ngayong Sabado pagkatapos ng Vampire ang Daddy Ko sa GMA7.

Show comments