Xmas party ng mga empleyado ng isang network kanselado, hindi rin mamimigay ng bonus

SEEN: Ang mga tagahanga na nagtirik ng kandila sa lugar na pinangyarihan ng aksidente na kumitil sa buhay ni Paul Walker, ang bida ng Fast & Furious. Nahihirapan ang fans ni Paul na tanggapin ang kanyang biglaan at tragic na kamatayan.

SCENE: Ang reaksiyon ni Vin Diesel sa sudden death ni Paul Walker, ang co-star niya sa action movie franchise: “Brother I will miss you very much. I am absolutely speechless. Heaven has gained a new Angel. Rest in Peace.”

SEEN: Hindi lamang relief goods ang ipinamigay ni Congressman Manny Pacquiao sa mga nasalanta ng bagyo sa Leyte at Samar. Binigyan din niya ng pera ang evacuees.

SCENE: Si Mike Enriquez ang bagong Primetime King ng GMA 7 dahil sa mataas na rating ng 24 Oras at ayon ito kay Annabelle Rama.

SEEN: Seryoso si Karylle at ang kanyang boyfriend na si Yael Yuzon na magpakasal sa 2014.

SCENE: Ang rare TV appearance kahapon ni April Boy Regino sa ASAP.

Nabahala ang fans ni April Boy dahil malaki ang ipinayat niya.

SCENE: Malungkot ang empleyado ng isang TV network dahil sa management announcement na wala silang matatanggap na Christmas bonus.

Kanselado rin ang company Christmas party ng TV network.                                      

Show comments