Bagong Dyesebel dapat mas magaling kay Marian
- Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - December 1, 2013 - 12:00am

Kung si Angel Locsin ay babalik bilang Darna sa big screen, sino naman kaya ang magiging bagong Dyesebel sa bagong serye na gagawin ng ABS-CBN?

Sa rami ng magaganda at magagaling na Kapamilya actresses, hindi mahihirapan ang network na humanap ng bagong gaganap sa reyna ng dagat ni Mars Ravelo. Ang kailangan lamang nilang masiguro ay hindi ito magiging second to Vilma Santos, Alice Dixson, at marami pang una nang nagbigay buhay sa popular na babaeng may buntot.

Matatandaan din na ti­nanggap si Marian Rivera sa role na ito sa isang serye ng GMA kaya dapat ang magiging Dyesebel ng ABS-CBN ay kung hindi man mas magaling kay Marian ay makapantay man lamang sa galing na ipinamalas nito bilang Dyesebel.

Ryzza Mae at Bimby aabangan kung sino ang nakakaaliw

Hindi lamang naman ang anak ni Kris Aquino sa basketbolistang si James Yap ang gugustuhin ng mara­ming tagasubaybay ng Metro Manila Film Festival sa mga nakaraang taon na mapanood, kundi maging ang career godchild ni Vic Sotto na si Ryzza Mae Dizon na hindi na mapigilan ang pagsikat. Ang pangyayaring kinabog nito ang maraming ma­lalaking pangalan nang maging nominado ito sa Star Awards for Te­levision bilang best co­medy actress at best showbiz-oriented talk show host ay isang malinaw na indikasyon na sa kabila ng kanyang kabataan ay mayro’n na rin siyang narating at marami na ang sumusubaybay sa kanya.

Maski si Kris Aquino ay hindi mamemenos ang kanyang kagalingan kaya suportado niya ang tambalan nina Ryzza Mae at Bimby Yap, Jr., ang kanyang bunsong anak.

 

ALICE DIXSON BIMBY YAP DYESEBEL JAMES YAP KRIS AQUINO MARIAN RIVERA MARS RAVELO METRO MANILA FILM FESTIVAL RYZZA MAE
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with