Revillame umaming nagbebenta ng ari-arian

Si Willie Revillame kung anu-anong tsismis na ang lumalabas dahil lamang ibinibenta niya ang kanyang Wil’s Events Place. Naroong napagtatalo raw siya sa sugal sa casino kaya wala na siyang pera.

Wala naman palang katotohanan ang lahat dahil ibinibenta niya ang nasa­bing lugar para makapag-concentrate siya sa kanyang Wil Tower Mall.

’Buti na lang ’di siya napipikon na kahit nananahimik na siya ay inuulan pa rin siya ng intriga. 

James wala rin naman planong suportahan ang pelikula ni Bimby

I’m sure kahit hindi banned si James Yap sa premiere sho­wing ng movie ng kanyang anak na si Bimby Yap, Jr. ay hindi ito dadalo sa event dahil alam naman niyang hindi siya welcome. Pero ang maganda sana ay kung hindi lang ang madir ang sumusuporta sa kanyang anak kundi maging ang padir din. Magiging magandang pahimakas ito sa pelikula at magyayaya pa ng good vibes.

Rocco gustong ma-feel kung paano maging Katoliko

 Akalain mo Born Again Christian pala si Rocco Nacino pero pumayag gumanap ng role ng isang santo ng nga Katoliko at minsan pa ay nagsimba at duminig ng misa?

 Kung sabagay ay walang masama rito. Gusto lang siguro ni Rocco na ma-feel ang damdamin ng mga Katoliko at maka-share sa isang napakahalagang gawain nila, ang pagdiriwang ng misa.

Dahil dito kaya marahil kinakasihan siya ng suwerte. Maganda ang takbo ng career niya, ’di ba?

 

Show comments