Angel naghihintay sa tamang panahon para magka-bf uli

Dumalo si Angel Locsin sa u­nang Gintong Palad Public Ser­vice Awards Night na ginawa sa One Es­pla­nade sa Pasay City noong Mi­yer­kules. Hindi namin sukat akalain ang pagdating nito dahil abala siya sa kanyang taping. Kagagaling lang ni Angel ng Iloilo para alamin ang kalagayan ng mga kamag-anak na naapektuhan din ng bagyo.

Maaasahan ang magandang aktres sa kanyang pagtulong sa kapwa noon pa man. Kung siya ang masusunod, ayaw na niyang ipagkaingay ang pagiging mapagkawanggawa. Basta’t ang mahalaga sa kanya ay nakakatulong siya sa kapwa.

Natutuwa siya kapag nakakagawa ng kabutihan sa kapwa kaya naman tuluy-tuloy ang magagandang biyaya nito, mapa-career man o pagiging intact ng pamilya.

Naniniwala siya ng tamang panahon sa pagpili ng lalaking kakasamahin sa buhay. Sabi nga ng aktres, “Kapag naging mabuti kang anak ay magiging mapalad ka rin sa buhay pag-ibig.”

Mahalaga sa kanya ang Gintong Palad Public Service Award dahil simbolo ito ng pagiging mapagkawanggawa at pagmamalasakit niya sa kapwa.

Jolens excited nang maging ina

Isa rin sa mga awardee ng Gintong Palad si Jolina Magdangal na kahit wala pa sa showbiz ay maaasahan din sa pagtulong. Natutuwa siya sa pagkakaroon ng ganitong klase ng parangal dahil ipinamamalas ang positibong katangian ng isang artisa.

“Suwerte po ang aking baby at lalaki po ang isisilang ko. Excited na akong maging ina,” sabi ng singer-actress.

Kasama niya ang mister na si Mark Escueta na laging nakaalalay kay Jolina.

 

Show comments