Kauna-unahang Dragon Boat race gaganapin sa Tanauan

MANILA, Philippines - Panoorin ang kauna-unahang Tanauan City Dragon Boat Festival sa Brgy. Wawa-Boot, Tanauan City, Nov. 22-23. Ito ang pinakaunang dragon boat race na gaganapin sa Taal Lake. Sa ngayon, may 23 grupo na ng Philippine Canoe Kayak Foundation ang lalahok sa pamumuno ni Tanauan City Mayor Thony Halili at ng Sports Development Head na si Tato Dimayuga. Ang naturang event ay naglalayong pag-ibayuhin ang water sports tourism sa Tanauan City.

Tampok sa nasabing event ay ang mga sumusunod: Nobyembre 22, libreng concert sa ganap na ika-pito ng gabi; Nov. 23, balsa race sa ika-alas sais ng umaga na susundan ng dragon boat race sa ika-7 ng umaga.

Ang mga nasabing event ay parehong gaganapin sa Brgy. Wawa-Boot, Tanauan City.

 

Show comments