Baba ni Sharon hindi naalagaan sa Madam Chairman

Seen :  Ang patung-patong na chin ni Sharon Cuneta sa mga eksena niya sa Madam Chairman ng TV5.

Scene : Hindi na masyadong makapal ang make-up ni Tom Rodriguez sa presscon kahapon ng Bekikang: Ang Nanay Kong Beki.

Seen : Personal na hiniling ni Joey Paras sa direktor na si Wenn Deramas na si Tom Rodriguez ang gusto niya na maging leading man sa Bekikang, ang kanyang launching movie.

Si Dingdong Dantes ang original choice pero hindi natuloy dahil sa kanyang tight schedule.

Scene : Tuxedo ang identical outfit ni Director Jun Lana at TV5 Executive Perci Intalan sa same sex wedding nila noong Lunes sa Bethesda Fountain, Central Park, New York City.

Seen : Hindi itinuloy kahapon ang provincial tour sa Cebu ng cast ng She’s the One dahil sa ma­lakas na lindol na yumanig sa Visayas.

 Scene : Si Regine Velasquez ang kumanta ng Nandiyan Palagi, ang theme song ng Genesis, ang primetime teleserye nina Dingdong Dantes, Rhian Ramos, TJ Trinidad, at Lorna Tolentino.

 

Show comments