Richard kakarerin muna ang pagpi-freelance

Napanood ko si Richard Gutierrez na nag-guest sa programa sa TV ni Vice Ganda. Ang u­nang naisip ko ay baka lilipat na siya, pero on se­cond thought, sabi ko kung sakali man, baka hindi pa ngayon. Baka hintayin pa niyang natapos ang kaso ng girlfriend niyang si Sarah Lahbati sa GMA, particular na kay Ms. Annette Gozon Abrogar.

Baka mag-freelancer mu­na siya na mas ma­ka­ka­tulong sa kanya dahil ma­­rami naman siyang alam gawin.

Janine hindi magtuluy-tuloy ang career

Bakit kaya hindi magtuluy-tuloy ang career ni Janine Gutierrez, anak nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher? Bukod sa maganda ay  may ibubuga naman siya? Marunong pang mag-host.

Nakatakda na naman siyang makasama sa revival ng Villa Quintana. Sana walang maging aber­ya at matuloy siya.

Michael V. pinayagan din sa Kapatid

Ang bait naman ng GMA kay Michael V. Pina­yagan nila siyang magkaroon ng isang regular na programa sa TV5. But then pinayagan na rin nilang gumawa ng project sa ABS-CBN sina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Totoo bang pati si Dennis Trillo ay nagpaplanong mangapitbahay din?

Kunsabagay, ako rin nagi-guest sa isang sitcom ng kabilang istasyon. That’s what I call democracy. Mabuhay ang GMA.

Show comments