Hayden may misyon sa india bilang pastor

SEEN : Ang mga positive feedback sa McDo commercial ng veteran actress na si Marita Zobel. Nabuhay ang interes ng publiko kay Marita dahil sa kanyang  â€œDowntown” TV ad para sa McDonalds.

SCENE : Ngayon ang huling Sabado ng The Voice Philippines. Inaabangan ang bagong pasabog na hairdo ni Toni Gonzaga.

SEEN : Balanse ang report ng TV Patrol ng ABS-CBN dahil ipinakita nila ang mga aktor na contract stars ng GMA 7 na rumampa sa Cosmopolitan Bachelor Bash 2013 na hindi ginawa ng 24 Oras ng GMA 7.

SCENE : Pagkatapos ng privilege speech ni Senator Jinggoy Estrada noong Miyerkules sa senado, wala nang dahilan si Senator Bong Revilla, Jr. na ituloy ang kanyang binabalak na privilege speech. No talk, no mistake.

SEEN : Ang ‘spiritual journey’ ni  Pastor Hayden Kho, Jr. sa Hyderabad, India. Si Hayden ang naatasan na magsalita at magpakilala  kay Jesus Christ sa Hindu Indians.

SCENE : Mananatili si ER Ejercito bilang gobernador ng Laguna habang on appeal ang kanyang disqualification. Matagal pa ang itatakbo ng kaso ng disqualification ni ER dahil aabot pa ito sa Korte Suprema.

SEEN : Nalulungkot na ang loyal viewers ng My Husband’s Lover dahil dalawang linggo na lamang ito sa ere. Magwawakas sa October 11 ang My Husband’s Lover.

 

 

Show comments