Eugene gustong manahin ang pagiging diamond star ni Maricel

Kung ako nga si Eugene Domingo, aayawan ko ‘yung titulong Rough Diamond Star. Huwag na lang magkatitulo. Diamond ka nga eh rough naman. Parang mas magandang titulo ‘yung the next diamond star. Eh hindi naman siya nalalayo ng kalibre kay Maricel Soriano na magaling sa comedy at drama. At hindi naman sila magka-contemporary, mas senior si Maria kay Uge, puwedeng-pwede talaga siyang maging tagapagmana ni Maria. ‘Di siya maaring lumebel sa beteranang artista for the simple reason na mas bata siya, pero puwedeng maging tagapagmana ng korona nito. Wala pang pumalit sa pagiging komedyana ng nasirang Nida Blanca at sa pagiging versatile ni Marya.

Billy nakakabilib ang bilis ng pagkalimot kay Nikki

Hanga ako kay Billy Crawford na nagagawa na niyang magsalita tungkol sa mga isyu na ibinabato sa kanya ng walang galit at hindi nagpapaliwanag, bagkus ay sinasabi na lang kung ano ang totoong kaganapan.

Hanga rin ako sa bilis nang ginawa nilang pagtanggap sa mga kaganapan, walang kaartehan sa panig ni Nkki Gil at maging kay Billy. Isa lamang pagpapaliwanag na hindi nababakas ang emosyon na kanilang pinagdaanan o pinagdaraanan pa.

Pero katulad ng marami nilang tagasubaybay, hoping ako na magkabati pa silang muli. Kundi naman ito mangyari, sana ay maging magkaibigan man lamang sila.

Cristine kinawawa ang mga naging ex

Para namang nakakainsulto sa mga exes ni Cristine Reyes na sabihin na parang kay Derek Ramsay lang boto ang lahat.  Paano kung hindi umubra ang relasyon, pipintasan ba rin nila ang Kapatid actor?

Sana nga magtagal na ang relasyon ng dalawa para naman makabawi si Cristine sa hindi magandang sinasabi tungkol sa kanya. Ang mga tao kasi, masyadong mapanghusga. Tapos ang ini-expect pawang hindi magaganda.

                 

Show comments