Kaaway ni Sharon pahulaan

Maraming pinag-iisip si Sharon Cuneta sa mga ginagawa niyang pagkanti sa Internet. Nagtataka sila kung bakit pa siya nagpapaliguy-ligoy at hindi na lang pangalanan ang pinatutungkulan. Mas bibilib pa raw sila sa kanya. Kesa naman yung puro clue lang siya, eh bakit pa raw siya nagsasalita, eh wala naman siyang tapang na sabihin kung kanino siya nagagalit o disap­point. Nalulungkot sila para sa kanya dahil kakaunti ang friends niya at hindi pa sila totoo?

Walang masamang magpa-picture!

Eh ano rin naman kung kinukunan ng picture ang mga artistang namamahagi ng relief goods o yung tumutulong tuwing may kalamidad? Eh artista sila, anuman ang gawin nila, ke tumayo lang sila  sa gitna ng kalsada ay talagang kukunan sila. Dahil nga artista sila. At anong ipinagpuputok ng butse ng mga nakakakita  nito? Ang  importante, tumutulong sila. Yun lang!

Billy at Nikki magkaaway nang mag-break

Tama lang si Billy Crawford not to dwell on his and Nikki Gil’s break-up. Mas madaling paraan ito para sila makalimot at maka-move. Pero sana manatili ang friendship nila. Bakit ba ang mga magkakarelasyon na naghihiwalay ay nagiging ene­mies? Bakit nga ba?

Show comments